Kultura, Paniniwala, at Pagpapahalaga-Ang ating paka-Pilipino.
Ayon sa Wikifilipino(http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Kultura) ang ibig sabihin ng kultura ay "Ang kultura o kalinangán sa pangkalahatan ay tumutukoy sa aktibidad ng sangkatauhan. Iba't iba ang kahulugan ng kultura na sumasalamin sa iba't ibang mga teoriya sa kaunawaan, o sukatan sa pagpapahalaga, sa aktibidad ng sangkatauhan."
Lahat ng kultura ay natutunan, ngunit hindi lahat na bagay na natutunan ay kultura
Kabilang dito ang lahat ng ating mga kilos at paniniwala na hindi na ipinapadala sa pamamagitan ng genes, ngunit ipinapadala (at naka-imbak na) sa pamamagitan ng mga simbolo. Ang mga Pilipino ay sadyang mahilig sumunod sa mga nakagawian na at sa mga tradisyon. Tayo din ay mahilig maniwala sa mga pamahiin katulad ng hindi dapat mag walis kapag gabi na dahil sabi nila na mawawalis din daw ang ating pera. Mahilig din ang mga pilipino sa mga piyesta katulad ng sikat na Sinulog Festival sa Cebu:
Higantes Festival sa Angono, Rizal:
Maskara Festival sa Bacolod:
at iba pang mga piyesta na dinidiriwang nating mga pilipino. Isa rin sa mga kultura ng mga pilipino ay ang Simbang Gabi, Flores de Mayo, Harana, Mamanhikan,at Mahal na Araw. Naging parte na ang mga ito sa pamumuhay ng mga mamamayang pilipino saan man sa mundo. Katulad lang din ito g ibang mga bansa kung saan may kultura rin sila, tulad nga Thailand, China at Singapore.
Nakaugalian narin nating mga pilipino ang pagmamano sa nakatatanda, pagiging mapagkumbaba, paggamit ng "po" at "opo", at ang paniniwala sa mga pamahiin. Lahat ng mga ito ay naging parte na sa kultura nating mga Pilipino kaya dapat ay pahalagahan natin ang bawat isa nito.
.jpg)
.jpg)
.jpg)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento